Wed, 02 Dec 2020

Kahalagahan ng pagbabakuna, muling ibinida ng medical, health experts

Philippine Information Agency
26 Oct 2020, 17:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 26 (PIA) -- Muling pinayuhan ng mga medical at health experts ang mga kabataan at senior citizens na agad sumailalim sa pagpapabakuna matapos silang payagang makalabas ng bahay, ayon sa ulat ngayong araw ng Radyo Pilipinas, 738 kHz sa AM band.

Sa isang "Sine Gamutan" na ginawa ng Mu Sigma Phi Sorority, MSD Philippines at College of Medicine University of the Philippines, ipinaliwanag ng mga medical experts ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni Dr. Regina Barba, isang infectious disease expert, chairman ng Hospital Infectious Control Unit ng Philippine General Hospital (PGH) at professor ng College of Medicine ng UP Manila, mas higit kailangan ng mga matatanda ang dagdag na lakas para labanan ang anumang sakit at impeksyon na maaaring makapagpahina sa immune system.

Ipinapayo ni Barba ang pagpapabakuna para labanan ang pulmunya, tetanus, measles o tigdas, diphtheria, mga sipon at pag-ubo na kadalasang nauuwi sa infections.

Pagpapalakas naman sa buto at kasu-kasuan ang tinalakay ni Dr. Evelyn Salido na isang rheumatologist, isang professor din ng UP College of Medicine at chief ng Rheumatology Division ng PGH, kung saan sinabi niyang dapat siguruhin ng mga matatanda ang matatag na joint system para hindi mauwi sa mga rayuma at osteoporosis.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa bitamina, calcium, regular na ehersisyo at pagpapabakuna ang may malaking maitutulong para mapanatili ang malakas, malusog at maingat na kalusugan.

Matatandaan na naunang inaprubahan ng coronavirus task force ng pamahalaan ang pagpayag sa sa mga taong edad 15 hanggang 65 na makalabas ng kanilang bahay. (PIA NCR)

More Southeast Asia News

Access More

Sign up for Southeast Asia News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!